Archive

Archive for December, 2023

My take on being an introvert based on experience at ayon sa pag-aaral

December 2, 2023 Leave a comment

Ang pagiging introvert ay hindi pagiging tahimik at mahiyain. Ang tahimik pwede mong sadyain, e.g. gusto mong manahimik. Yung mahiyain, kahit extrovert nakakaranas din nun. Pag introvert kase para kang sinisilaban talaga ng buhay when around people, it’s a feeling more than pagiging mahiyain na di mapipigilan. Mali din yung ayaw makihalubilo sa tao ng mga introvert, anti-social ang tawag dun. As much as gusto ng mga introvert maki-socialize, nakaka-drain talaga sya ng energy. Exact opposite sya ng mga extrovert na lalong nagkaka-energy when around people. Ang extrovert di maiintindihan yun kase nga rewarding sa kanila ang maki-socialize samantalang sa introvert kabaliktaran. Of course gusto rin ng mga introvert maki-socialize. Pwede nating syang ihambing sa pag-inom ng alak, kahit lasang blade inom ka pa rin kase masarap—medyo discouraging lang. Pag introvert ka, introvert ka na talaga. Ang magagawa mo lang ay mag-cope. Same goes sa mga extrovert. Kaya mali din yung nagsasabi na extrovert sila tapos kapag tumahimik sila or gusto nila mapag-isa ay introvert na sila. Ginusto lang talaga nila manahimik at ayaw makakita ng tao for days, weeks, or months pero naka-wire na sa utak ang pagiging extrovert. Malayo sila sa pagigng introvert kase mamamatay sila kapag hindi nakakakita ng tao. 😅 Masakit din na pinaparatangan ang mga introvert na masama at suplado tapos yung mga extrovert sila lang yung mabubuti at friendly, sa mga hindi nakakaunawa lang naman. Yung mga pulitiko at artista na mababait sa mga tao mabubuti ba yon? Lumalabas din ang kulit ng mga introvert sa mga taong komportable sila.

Categories: Katok sa Utak Tags: ,