Home > Katok sa Utak > Bastos na ulan

Bastos na ulan

Almost 7pm na ako nakarating sa Robinson’s Place Lipa para sa last day ng 2nd CALABARZON Motorshow. Umatend pa kasi ako ng 5pm mass sa Rosario. Too bad di ko na naabutan yung slalom race. Ang pwede ko na lang abangan ay ang awarding sa mga nanalo sa carshow. Bago iyon, may nag-perform muna na mga rap group. Kahit na hindi ako mahilig sa mga rap, enjoy na rin kasi nakakatuwa yung mga kanta nila. Yun nga lang nakulele yung tenga ko sa pakikinig ng rap kasi sa 2nd day pa lang meron nang mga nag-rarap. Pagkatapos noon, sinimulan na ang awarding. Bumaha talaga ng awards doon, meron pang kapag nananalo ng award ay bumubusina pa talaga. Dapat nagdagdag pa sila ng category: Palakasan ng Busina. Nakuha namin ang People’s Choice Award saka yung Best in Stock. Ang pinaka-inaabangang award ay yung Best in Show… pero bago pa i-announce iyon, nagsimula nang pumatak ang ulan. Dahil pahirapan na sa pagpunta sa stage, agad na tinapos ng host ang awarding at sinabi kung sino ang nanalo sa Best in Show. Bago pa makakilos ang mga tao para magsipag-uwian, lalo pang lumakas ang ulan. Ang ganda ng timing niya ha, in Fairview. Nasa likod ng mall yung event tapos naiparada ko yung auto sa tapat ng mall. Sarado na ang mall nung time na yon kaya di ko kagad mapupuntahan yung kotse. Kung pwede ko nga lang gayahin si James Bond na pwedeng kontrolin yung auto niya through his cellphone with matching auto-bukas ng pinto. I’m so worried kasi ako ang may pinakamalayo ang sasakyan. Iniisip ko rin na baka gabihin ako at wala ako sa mood maki-sleep over. Inantay ko na lang si pareng EJ na makuha auto niya… tapos yun, nagpadaan ako sa kanya. Buti na-stranded lang kami ng konti doon although nabasa pa rin ako. Nakapag-dinner pa kami kina Bootog at makakauwi pa rin ako just in time.

11pm na ng magsimula akong lumarga, ibig sabihin gisingan pa sa amin kapag dumating ako. Kung hindi, mapipilitan talaga akong makitulog. Gusto ko ring mag-drive ng ganoong oras. Wala gaanong sasakyan, di kelangang umovertake pwera na lang kung tricycle. Gusto ko rin kasi na pinapadaus-os na lang yung sasakyan pauwi kasi pababa yung from Lipa to Rosario. Kapag may ibang sasakyan kasi kelangang prumeno tapos apak sa gas ulet. Para chill lang saka sa ganoong oras, pwede akong makauwi in 20 minutes kahit 60 lang ang takbo. Andami ko atang napatay na palaka… lagi kasing may tumatawid… may maliit, may malaki… babago pa lang kasing umuulan. Hayyy, tapos na talaga ang summer.

Advertisements
  1. December 21, 2008 at 7:42 am

    Hey, i save funny photos
    here

  1. No trackbacks yet.

Comment via Facebook / Twitter:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: